ANG EBANGHELYO NI
MARCOS

BALANGKAS

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16
  1. Ang Pasimula ng Ebanghelyo at ang Pagpapakilala sa Aliping-Tagapagligtas (1:1-13)
    1. Ang Pasimula ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng Ministeryo ng Tagapagpauna (1:1-8)
      1. Tulad ng Naipropesiya (bb. 1-3)
      2. Pangangaral ng Bautismo ng Pagsisisi (bb. 4-6)
      3. Pagpapakilala sa Aliping-Tagapagligtas (bb. 7-8)
    2. Ang mga Simulang-hakbangin-ng-pagpapakilala-tungo-sa-pagtanggap sa Aliping-Tagapagligtas (bb. 9-13)
      1. Binautismuhan (bb. 9-11)
      2. Sinubok (bb. 12-13)
  2. Ang Ministeryo ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo (1:14 - 10:52)
    1. Ang mga Nilalaman ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (1:14-45)
      1. Pangangaral ng Ebanghelyo (bb. 14-20)
      2. Pagtuturo ng Katotohanan (bb. 21-22)
      3. Pagpapalayas sa mga Demonyo (bb. 23-28)
      4. Pagpapagaling sa Maysakit (bb. 29-39)
      5. Paglilinis sa Ketongin (bb. 40-45)
    2. Ang mga Paraan ng Pagsasagawa ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (2:1-3:6)
      1. Pagpapatawad sa mga Kasalanan ng Maysakit (2:1-12)
      2. Pakikipagpiging sa mga Makasalanan (2:13-17)
      3. Pagpapasaya sa Kanyang mga Tagasunod nang Hindi Nag-aayuno (2:18-22)
      4. Pangangalaga sa Kagutuman ng Kanyang mga Tagasunod kaysa sa Alituntunin ng Relihiyon (2:23-28)
      5. Pangangalaga sa Kaginhawahan ng Nagdurusa, Hindi Pag-alintana sa Ritwal ng Relihiyon (3:1-6)
    3. Mga Karagdagang Gawa para sa Pang-ebang- helyong Paglilingkod (3:7-35)
      1. Pag-iwas sa Panggigitgit ng mga Tao (bb. 7-12)
      2. Paghirang sa mga Apostol (bb. 13-19)
      3. Hindi Kumain Dahil sa Mahigpit na Pangangailangan (bb. 20-21)
      4. Paggapos kay Satanas at Pagsamsam sa Kanyang Bahay (bb. 22-30)
      5. Hindi Pagkilala sa mga Kamag-anak, Pagkilala lamang sa mga Gumagawa ng Kalooban ng Diyos (bb. 31-35)
    4. Ang mga Talinghaga ng Kaharian ng Diyos (4:1-34)
      1. Talinghaga ng Manghahasik (bb. 1-20)
      2. Talinghaga ng Ilawan (bb. 21-25)
      3. Talinghaga ng Binhi (bb. 26-29)
      4. Talinghaga ng Binhi ng Mustasa (bb. 30-34)
    5. Ang Pagkilos ng Pang-ebanghelyong Paglilingkod (4:35 - 10:52)
      1. Pagpapatahimik sa Malakas na Hangin at Pagpapayapa sa Dagat (4:35-41)
      2. Pagpapalayas sa Isang Pulutong ng mga Demonyo (5:1-20)
      3. Pagpapagaling sa Babaeng Inaagasan ng Dugo at Pagpapabangon sa isang Patay na Batang Babae (5:21-43)
      4. Hinahamak ng mga Tao (6:1-6)
      5. Pagsusugo sa mga Disipulo (6:7-13)
      6. Ang Pagkamartir ng Tagapagpáuná (6:14-29)
      7. Pagpapakain sa Limang Libo (6:30-44)
      8. Paglalakad sa Ibabaw ng Dagat (6:45-52)
      9. Pagpapagaling Saanmang Dako (6:53-56)
      10. Pagtuturo hinggil sa mga Bagay na Dumurungis mula sa Loob (7:1-23)
      11. Pagpapalayas ng Isang Demonyo mula sa Anak na Babae ng Isang Canaanita (7:24-30)
      12. Pagpapagaling sa Lalakeng Bingi at Utal (7:31-37)
      13. Pagpapakain sa Apat na Libo (8:1-10)
      14. Hindi Pagbibigay ng Tanda sa mga Fariseo (8:11-13)
      15. Pagbababala hinggil sa Lebadura ng mga Fariseo at ni Herodes (8:14-21)
      16. Pagpapagaling sa Isang Lalakeng Bulag sa Betsaida (8:22-26)
      17. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Unang Pagkakataon (8:27 - 9:1)
      18. Pagbabagong-anyo sa Bundok (9:2-13)
      19. Pagpapalayas ng Isang Piping Espiritu (9:14-29)
      20. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Ikalawang Pagkakataon (9:30-32)
      21. Pagtuturo tungkol sa Pagpapakumbaba (9:33-37)
      22. Pagtuturo tungkol sa Pagpaparaya para sa Pagkakaisa (9:38-50)
      23. Pagdating sa Judea (10:1)
      24. Pagtuturo laban sa Diborsiyo (10:2-12)
      25. Pagpapala sa mga Mumunting Bata (10:13-16)
      26. Pagtuturo tungkol sa Mayaman at tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos (10:17-31)
      27. Paghahayag ng Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Ikatlong Pagkakataon (10:32-34)
      28. Pagtuturo tungkol sa Daan tungo sa Trono ng Kaharian ng Diyos (10:35-45)
      29. Pagpapagaling sa Bulag na si Bartimeo (10:46-52)
  3. Ang Paghahanda ng Aliping-Tagapagligtas para sa Kanyang Nagtutubos na Paglilingkod (11:1 - 14:42)
    1. Pagpasok sa Herusalem at Pananahanan sa Betania (11:1-11)
    2. Pagsumpa sa Punong Igos at Paglilinis sa Templo (11:12-26)
    3. Sinubok at Sinuri (11:27 - 12:44)
      1. Sinubok at Sinuri ng mga Pangulong Saserdote, mga Eskriba, at Matatanda (11:27 - 12:12)
      2. Sinubok at Sinuri ng mga Fariseo at ng mga Herodiano (12:13-17)
      3. Sinubok at Sinuri ng mga Saduceo (12:18-27)
      4. Sinubok at Sinuri ng Isang Eskriba (12:28-34)
      5. Pagbusal sa Lahat ng Tagasubok at Tagasuri (12:35-37)
      6. Pagbababala na Mag-ingat sa mga Eskriba (12:38-40)
      7. Pagpuri sa Dukhang Babaeng Balo (12:41-44)
    4. Paghahanda sa mga Disipulo sa Kanyang Kamatayan (13:1 - 14:42)
      1. Pagsasabi sa Kanila tungkol sa mga Bagay na Darating (13:1-37)
      2. Pagtatamasa sa Kanilang Pag-ibig, Samantalang Nagsasabwatan ang Kanyang mga Manunuligsa na Patayin Siya, at Nagbabalak ang Isa sa Kanyang mga Disipulo na Ipagkanulo Siya (14:1-11)
      3. Pagtatatag ng Hapunan (14:12-26)
      4. Pagbabala sa mga Disipulo (14:27-31)
      5. Pagdaranas sa Getsemani-Pagnanais sa mga Disipulo na Manalangin nang may Pagbabantay (14:32-42)
  4. Ang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagsasakatuparan ng Pagtutubos ng Diyos (14:43 - 16:18)
    1. Ang Kanyang Kamatayan (14:43 - 15:47)
      1. Pinadakip (14:43-52)
      2. Hinatulan (14:53 - 15:15)
        1. Hinatulan ng mga Pinunong Hudyo na Kumakatawan sa mga Hudyo (14:53-72)
        2. Hinatulan ng Romanong Gobernador na Kumakatawan sa mga Hentil (15:1-15)
      3. Ipinako-sa-Krus (15:16-41)
      4. Inilibing (15:42-47)
    2. Ang Kanyang Pagkabuhay-na-muli (16:1-18)
      1. Natuklasan ng Tatlong Kapatid na Babae (bb. 1-8)
      2. Pagpapakita kay Maria Magdalena (bb. 9-11)
      3. Pagpapakita sa Dalawang Disipulo (bb. 12-13)
      4. Pagpapakita sa Labing-isang Disipulo at Pag- aatas sa Kanilang Ipahayag ang Ebanghelyo sa Lahat ng Nilikha (bb. 14-18)
  5. Ang Pag-akyat-sa-langit ng Aliping-Tagapagligtas para sa Pagpaparangal sa Kanya (16:19)
  6. Ang Pansansinukob na Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Aliping-Tapagligtas sa Pamamagitan ng Kanyang mga Disipulo (16:20)
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16